Friday, March 16, 2012

Tama na sa Pagiyak













Naisip mo na ba na sayang ang luha mo
Dahil sa mga walang kwentang bagay at taong iniiyakan mo
kelan ba nagamot ng luha ang sugat?
Hindi naman diba kaya tama na sa pagiyak
at tama na sa lungkot na lagi mong dinadamayan

Wag kang makinig sa mga sinasabi nila
Wag mong husgahan pati sariling kakayanan
Alam mong tama ka ngunit silay pinakikinggan pa
Hindi naman masama na ikay ngmahal lamang
kaya tama na sa pagiyak at pagmukmok jan

Isang malakas na halakhak ang dapat mong gawin
Bitawan mo ang salitang; hindi ko kayang mawala sya
Dahil hinding hindi ka talga sasaya sa dahilan na yun
Yung tinitibok ng puso mo ikanta mo
Yung sinisigaw ng utak mo isigaw mo tama na sa pagiyak

Hindi ba maganda ka naman
Hindi ba me mga kakayanan ka din naman
Mga bagay na wala sakanya na meron ka
Mga katangian na taglay mo na wala sakanila
Kaya tama na sa pagiyak ngumiti ka nalang kaya

Ayan,dahil sa kagustuhan mong sumaya
Unti unti mo ng naibubuka ang mga labi mo
Unti unti mo ng nilalagyan ng paru paru ang mga mata mo
Sikapin mong makuha ang mga bagay na ayaw ng iba
Pagkat hindi lahat ng tinapon ay wala ng kwenta
Tama na sa pagiyak at hayaan mong mawala ang lahat
hayaan mong problema at alinlangan ay mabura
Upang ang iyong kaligayahan ang syang sumakop sayong kaluluwa
tahan na wag ka ng umiyak at sayang ang luha mo

No comments: