Thursday, February 2, 2012


May isang babae na gustong gusto ko.
Hindi ko alam kung bakit
Pero sa tuwing nakikita ko siya
Pilit na gumagalaw sa pagngiti ang aking labi.
Siya yung taong nagbibigay sigla sa buhay ko.
Kahit tinatamad ako pumasok-
pinipilit ko dahil alam kung makikita ko siya.
Sa tuwing nakikita ko siya sa loob ng klase.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko
Kaya napapangiti ako ng walang dahilan.
Lalo na kapag mas ginugusto niya na tumabi sakin
Parang mamamatay ako sa bango ng buhok niya
At hindi ko alam kung ano ang gagawin
Sa paguwi gustong gusto ko siyang kasama.
Sa gabi tinitxt ko siya
At kahit nakakatanggap ako ng group txt galing sakanya
Okay lang,masaya nako kase nagtxt siya
Malamang naalala niya ako.
Kahit na di siya nagrereply sa mga txt ko
At kahit hindi niya sinasagot madalas ang tawag ko
Okay lang,pinansin niya parin ako
dahil nagawa niyang iOFF ang phone nya.
Masarap sa pakiramdam ang magmahal
Kahit na ba ang taong yung ee hindi ka mahal
Wala kang pakialam kahit tawagin ka pang baliw
Basta ang alam mo masaya ka na nakikita siya araw araw
Bigla ako natuwa ng minsan siyang lumapit sakin
Sabi niya-gusto ko kumain ng rebisco na galing sayo.
Kaya binili ko siya ng rebisco
Araw araw kapag papasok ako ng skwela may dla akong rebisco
At gustong gusto nya yun nararamdaman ko.
Napapangit siya sa tuwing iniaabot ko sakanya yun-
Sa mga ngiting yun-parang nahihimatay na naman ako.
Ganun ko siya kagusto
Napakalambing niya kase.
kapag magkasama kami
Nakayakap siya sa kamay ko
Habang hawak ko ang payong para sakanya.
Hinihila niya ang ilong ko hanggang sa mamula ito
At ang pinakamasayang ginagawa namin
Yung tumatakas kami sa iba naming mga kamagaral para lang kumain sa labas na kami lang dalawa
Ang saya ko talaga at hulog siya ng langit sakin
Sa ganuong paraan natuto ako makontento
kahit na ba walang namamagitan saming dalawa
kamagaral-yan lang ang turingan namin.
At sa tuwing magkacutting class kami
Nagpupunta kami sa TOMS WORLD
at dun kumakanta kaming dalawa
Kahit mapagalitan ako ng papa ko
Dahil madalas gabi na ako umuuwi
Okay lang,basta nakasama ko ang taong nagpapasaya sakin.
Gusto ko siya-at di ko alam kung gusto niya rin ako.
Minsan tinatawag niya akong bato-
pero hindi ko alam kung bakit.
Malamang matigas ang aking palad
Hindi pa kami naghoholding hands
Pero minsan nya ng naramdamn ang palad ko
Dahil sa madalas na pagkurot ko sa pisngi niya
At sa minsang isang araw na hiniram ko ang phone nya
Nagulat ako dahil me litrato siya na ako at siya.
Sumigla yung araw ko ng mga oras na yun
Hindi ko maipaliwanag kung bakit
Sabay biniro ko siya-BAKIT ME PICTURE TAYONG DALWA AA?"
Sabi niya-maganda lang daw kase yung kuha niya kaya itinago nya.
Okay lang kahit di niya sinabi na-maganda din ang kuha ko at naming dalwa.
Basta masaya ako dahil lagi kami magkasama
Hindi niya ako sinasaktan at di ko din siya sinasaktan.
Hanggang biro lang ang mga asaran na yun samin.
Pero isang araw nagalit siya at di niya ako pinansin
Hindi ko alam pero marahil ee dahil absent ako kahapon
Pero dahil sa rebisco-natuwa na naman siya at nagbalik kami sa dati
Ang saya at nakakapagpabuhay ng walang hanggang kapag kasama ko siya.

No comments: